Academia.eduAcademia.edu
Nazarene Academy Angeles City Pagbuo ng Tesis na Pahayag at Pangangalap ng Datos Isinumite ni : Stanley Rubio Isinumite kay : Ms. Kristel S. Castro TESIS NA PAHAYAG Nagbubuod sa kabuuang nilalaman ng isang sulatin. Paglahad ng posisyon ng mananaliksik tungkol sa isang paksa at direksiyong patutunguhan ng kaniyang pagsulat. Hindi bababa sa tatlong impormasyon ang o patunay ang isinasaad dito ng pananaw ng may-akda. Gumamit ng mga halimbawa o ebidensiya para sa impormasyon. Mahalaga ito upang matukoy ang pangunahing kaisipan ng isang sulatin. Makokontrol ang proseso ng pananaliksik na makatuon lamang sa pangunahing argumento. Kailangang tiyak, espesipik, malinaw at nagpapahiwatig ng “bakit” at “paano” tungkol sa paksa PAANO BINUBUO ANG TESIS NA PAHAYAG Tukuyin ang paksa Mula sa paksa ay bumuo ng pangunahing argumento na binubuo ng pananaw at sinusuportahan ng mga patunay. Siguruhing ito ay tiyak, malinaw, nagpapahiwatig ng “bakit” at “paano” tungkol sa paksa. Bumuo ng pansamantalang tesis na pahayag. Maaaring rebisahin ang pansamantalang tesis na pahayag sa proseso ng pangangalap ng datos hanggang ganap nang makuha ang pinakapunto ng argumento. PANGANGALAP NG DATOS Kadalasang ginagawa kapag tapos ng buuin ang konseptong papel, sumasailalim sa depensa at, rebisyon ayon sa kinalabasan ng depensa. Binibigyang diin ang kahalagahan ng malinaw na paglalatag ng tunguhin ng pananaliksik ng binuong konseptong papel at tesis na pahayag dahil ito ang gagabay sa mananaliksik sa pangangalap ng mga datos at impormasyon. Maaaring makakalap ng impormasyon sa aklat, panayam, pananaliksik, dyornal, website, ulat atbp. ANG MAPA NG KONSEPTO Isang uri ng graphic organizer na nagpapakita ng ugnayan ng mga konsepto at ideya sa pamamagitan ng susing salita na karaniwang nasa loob ng mga hugis. Nakakatulong ito sa mananaliksik na masuri at maorganisa ang kanyang mga ideya, makita ang kabuuang saklaw ng impormasyon at maging ang kayarian o balangkas ng mga pinag-uugnay na ideya at impormasyon. Mga nagbabagong elemento: Elementong nakapag-iisa (independent variable) Elementong di-nakapag-iisa (dependent variable) Sa pag-alis ng independent variable, magkakaroon ito ng epekto sa dependent variable. Ibig sabihin, anumang gawin ng independent variable ay may direktang epekto sa dependent. Mga natutunan : Sa pamamagitan ng mga konsepto, madaling matukoy kung ano-anong datos ang dapat hanapin. Ang mananaliksik ay magkakaroon ng malinaw na perspektiba kung aling aspekto ng pananaliksik ang dapat pagtuunan niya ng pansin. Napakahalagang kasanayan ang pagmamapa ng mga konsepto upang mapadali ang pag-unawa sa koneksiyon ng mga ginagamit na nagbabagong elemento sa pananaliksik. Ang mga nagbabagong elemento (variable) ay ang mga elemento ng pananaliksik na nagtataglay ng sukat at iba’t-ibang katangiang nagbabago at makakaapekto sa bunga ng pananaliksik. Mahalagang maunawaan ang mga nagbabagong elemento ng pananaliksik dahil ito ang pinaghahanguan ng mga datos na binibigyang kahulugan.